Bilang pakikiisa sa National Women’s Month, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Regional Fisheries Office 1 ay naghanda ng isang pangkalusugang aktibidad para sa kababaihan at sa mga kalalakihang sumusuporta sa kababaihan- libreng ear acupuncture.

Ito ay isang alternatibong pamamaraan na nakatutulong sa pagpapagaan ng stress, pag-aalaga sa mental at pisikal na kalusugan, at pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan ng katawan.

Naisagawa ang aktibidad na ito sa pakikipagtulungan sa DOH-Treatment and Rehabilitation Center(TRC) – La Union.

Naghatid din ang TRC ng mga serbisyo at impormasyon tungkol sa kalusugan at rehabilitasyon ng kababaihan.

Sa pamamagitan ng mga simpleng aktibidad tulad nito, mas pinapalakas ang kamalayan ukol sa kahalagahan ng self-care at mental health sa buhay ng mga kababaihan.